^

Bansa

Maunlad na kabuhayan susi sa kapayapaan – Bro. Eddie

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva na ang progresong pangkapayapaan ng pamahalaan ay dapat lakipan ng malawakang pagpapaunlad sa ekonomiya para magtagumpay.

“The peace process must be accompanied with true economic development from the center all the way to the margins. I will stress to our Mindanao allies our commitment to legislation that will encourage entrepreneurship and development,” aniya sa kanyang pahayag  sa isinagawang 3-araw  na pangangampanya sa iba’t ibang lungsod sa Mindanao.

Si Villanueva ay naunang sumuporta sa paglalagda ng Framework Agreement ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ani Bro. Eddie ang programa ng Bangon Pilipinas’  ay kinabibilangan ng pagpapasigla sa ekonomiya sa lahat ng sector ng lipunan na tinaguriang “ekonomiya ng sagigilid.”

Pinuri ni Villanueva ang pagsisikap ng admi­nistrasyong Aquino na matamo ang kapayapaan sa Mindanao sa pagsasabing “We commend their efforts. We are also committed to do our own part no matter how little by sustaining the momentum until we eventually attain economic development for all. This is a job for all of us, including citizens, leaders and legislators.”

 

ANI BRO

AQUINO

BANGON PILIPINAS

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

FRAMEWORK AGREEMENT

INIHAYAG

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SI VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with