Proyekto sa Cavite gagawing makatotohanan ni Maliksi
MANILA, Philippines - Magiging makatotohanan na at hindi puro pantasya lamang ang mga proyekto sa lalawigan ng Cavite para sa pag-unlad ng ekonomiya dito.
Ayon kay Cavite Rep. Erineo “Ayong†Maliksi, na tumatakbong gobernador at Ronald Jay Lacson na vice-gubernatorial candidate ng lalawigan na sa pagratsada ng Liberal Party (LP) sa Cavite ay magkakaroon ng totoong paglago ng ekonomiya at hindi puro pantasya at pangako.
Sa pahayag ng mambabatas mula sa ikatlong distrito ng lalawigan, kabilang umano sa proyektong nakalatag na sa Cavite ay ang P60 bilyon Light Rail Transit (LRT) Line 1 na magdudugtong sa Baclaran patungong Bacoor, Cavite.
Ayon naman kay Lacson, Inaasahang matatapos umano ang proyekto sa taong 2015 kung saan inaasahang 2,500 na pasahero ang maseserbisyuhan nito araw-araw at magbubukas din ng kalakalan sa pagitan ng mga tao sa Metro Manila at mga dayuhang turista gayundin madaling mapapasyalan ang historic capital ng bansa.
Giit nina Maliksi at Lacson, nakakalungkot man isipin ay nakilala rin ang kanilang lalawigan sa mga showbiz personalities at celebrities na nagpapaniwala sa mga pantasya na kanilang ginagampanan sa pelikula subalit hindi naman nakakatulong para i-promote ang historic glory ng Cavite gayundin hindi rin umano nakapagbukas ng magagandang daan at transport system ang mga ito.
Subalit ngayon ay nag-anunsiyo na umano mismo ang Pangulong Aquino sa ginanap na proclamation rally sa Cavite kamakailan ng iba pang multi billion infrastracture projects sa Cavite kabilang na dito ang Bangkal-GMA bridge sa Dasmariñas, widening ng Governors drive sa Trece Martires at Daang Hari-SLEX Link Road na nagkokonekta sa Bacoor at SLEX.
Bubuksan na rin umano ang P860 milyon tourism road mula Ternate, Cavite patungong Nasugbu,Batangas na magko-konekta naman sa mga resorts sa Nasugbu at magbabawas ng apat na oras na biyahe mula Maynila patungong Nasugbu via Tagaytay.
- Latest