‘Di tinanggap ng pamilya Guingona… ‘Sorry’ ng NPA no way!
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni dating Vice-President Teofisto Guingona Jr. na hindi nila matatanggap ang paghingi ng patawad ng National Democratic Front (NDF) matapos tambangan ang kanyang maybahay na si Gingoog City Mayor Ruthie Guingona at masawi ang driver at staff nito.
Sinabi ni VP Guigona, hindi nila matatanggap ang apology ni NDF-Mindanao spokesman Jorge Madlos alyas ‘Ka Oris’ matapos ang ginawang pananambang ng NPA sa sasakyan ng kanyang asawa noong Sabado ng gabi sa boundary ng Barangay Kapitulangan at Binakalan sa Gingoog City.
Nasawi naman ang driver at staff nitong sina Bartolome Velasco at Nestor Velasco habang nasagutan naman ang 2 police escorts nito.
Nasa ligtas na kalagayan na si Mayor Guingona na ngayon ay nagpapalakas na lamang sa Capitol University Hospital.
Umapela din si Guingona sa Comelec na ilagay sa area of immediate concern ang Gingoog City matapos ang pangyayari.
Samantala, nagtungo naman si Pangulong Aquino sa Marawi City at Balingasag, Misamis Oriental bago pumunta ng Gingoog upang ikampanya ang Team PNoy at local candidates ng Liberal Party.
- Latest