Zubiri tuloy ang laban sa pagkasira ng kalikasan
MANILA, Philippines - Bukod sa kanyang matapat at malinis na
 serbisyo publiko, itutuloy din ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Juan Miguel “Migz†Zubiri ang kanyang kampanya para mapigilan ang pagkasira ng kalikasan.
Si Zubiri na isang environmentalist ay nakilala sa kanyang paglaban sa mga malalaking sindikato na lumalapastangan sa kalikasan tulad nang madiskubre at kanilang maharang na milyun-milyong halaga ng black corals na ilegal na pinuslit sa bansa noong siya ay nasa Senado.

Kasabay nito, nagbanta rin si Zubiri na sakaling makabalik siya sa Senado, target niya ang mga malalaking tao na nasa likod ng mga sindikato na sumisira sa kalikasan, tulad ng illegal logging, illegal mining, black sand mining at iba pa.
Alam ni Zubiri na karamihan ng mga nasa likod ay mismong mga pulitiko at mga opisyal ng gobyerno, pero hindi raw siya mangingimi na banggain ang mga ito.
- Latest