^

Bansa

Pulis, NGOs nakiisa sa Earth Day

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang pagsuporta sa pagdiriwang ng Earth Day, nakiisa ang mga opisyal at miyembro ng Bataan police provincial office ng Manila-based Alpha Fire Brigade and Brotherhood Association sa clean-up drive sa Mariveles, Bataan noong Sabado.

Pangunahing isinagawa sa clean-up drive ang tree-planting activity na pinangunahan ng La Filipina Uygongco Corp. sa pakikipagtulungan ni Mariveles municipal ma­yor Dr. Jesse Concepcion.

Umaabot sa 400 saplings ng coconut trees  ang itinanim sa coastline ng Barangay Townsite, sa Mariveles.

Ayon kay La Filipina Real Estate Company general manager Susan Romero, mahalaga ang cleanup drive upang maibalik ang malinis na kalikasan para sa kinabukasan ng lahat.

Bukod sa police at fire volunteers, nakiisa din sa nasabing proyekto ang miyembro ng Recycling 129, na nakabase sa Tondo.

ALPHA FIRE BRIGADE AND BROTHERHOOD ASSOCIATION

AYON

BARANGAY TOWNSITE

DR. JESSE CONCEPCION

EARTH DAY

LA FILIPINA REAL ESTATE COMPANY

LA FILIPINA UYGONGCO CORP

MARIVELES

SUSAN ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with