Mayor sinampahan ng graft sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong katiwalian sa Ombudsman si Calapan City Mayor Paulino Salvador D. Leachon dahil sa umano’y ilang mga kuwesÂtiyunableng transaksyon ng pamahalaang-lokal sa ilalim ng kanyang admiÂnistrasyon.
Nagsampa ng naturang reklamo ang ‘Concerned City Hall Employees and Staff’ na nagsasabing bumili umano si Leachon ng overpriced na mga LED flat-screen television, closed circuit television (CCTV) at mga ‘decorative lamp posts.’
Sinasabi sa reklamo na, noong Pebrero 16, 2012, nagbayad ang pamahalaang-lunsod ng Calapan ng P3,920,464 sa CNCKONZERN/ Marjohn Alcoba para sa naturang ‘LED display screen’ bagaman sa pagtatanong ay nabatid na puwede lang itong mabili sa halagang P2,955,200.
Inilagay lang umano ang dambuhalang telebisÂyon sa gilid ng isang ilog sa lungsod na kalimitan ay mga isda lang at iba pang lamang-ilog ang inaasahan na makakapanood.
“Kahit meron siyang kabatiran at nasabihan na tungkol sa overprice at overpayment, tumanggi si Mayor Leachon na bawiin ang sobrang halagang naibayad,†sabi pa ng mga empleyado sa kanilang reklamo.
Sa isa pang transaksyon, noong Pebrero 13, 2012, inaprubahan ni Leachon ang pagbabayad ng P986,272 para sa isang ‘CCTV system’ sa Vector Computer Technologies kung saan isa pang supplier ang nagkumpirma na kaya nito umanong mag-supply ng katulad na produkto sa halagang P274,480.
Duda rin ang mga empleyado kung totoong merong Vector Computer Technologies dahil may 10 taon na umanong wala ang kumpanya sa ‘business address’ nito na nakalagay sa voucher na may lagda ni Leachon.
Sa ikatlong transaksyon, nagbayad umano ang lokal na pamahalaan ng Calapan ng P3,539,700 sa Colorspace Lamps and Lights/Leonardo Yu para sa mga decorative lamp posts bagaman ayon na rin sa kumpanya, puwede itong makuha sa halagang P2,484,000.
Idiniin sa reklamo na lumabag umano si Leachon sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019), Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6713) at Article 234 ng Revised Penal Code (refusal to discharge elective duties).
- Latest