Edukasyon prayoridad ni RJ sa Caloocan
MANILA, Philippines - Edukasyon ang isa sa prayoridad sa Caloocan City ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President at Liberal Party (LP) mayoralty candidate Ricojudge “RJ†Echiverri kapag nanalo itong alkalde ng lungsod sa darating na May 13 election.
Ayon kay Echiverri, ang edukasyon ang isa sa magiging sandata ng mga kabataan upang marating ng mga ito ang kanilang pinapangarap at ito rin ang paraan upang maabot ng mga estudiyante ang kanilang hangaring umaÂngat sa buhay.
Isa sa mga inilaban ni RJ na mabigyan ng katuparan ay ang pagpapatupad sa Section 393 ng Local Government Code kung saan ay mabibigyan ng libreng tuition fee ang mga anak ng mga barangay officials sa buong Pilipinas sa lahat ng state universities at colleges.
Naging katuwang din ito ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri sa pagbigay ng solusÂyon sa lahat ng suliranin ng mga pampublikong paaralan kabilang na dito ang pagpapagawa ng 640 classrooms na nagagamit ngayon ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya.
Nangako pa si RJ na itutuloy nito ang mga siniÂmulan ng kanyang ama na nagpabago at nagpaunlad sa lungsod upang higit pang makilala ang Caloocan City sa iba’t ibang larangan kabilang na dito ang pagbibigay ng mga kapaki-pakinabang na proyekto sa mga residente.
- Latest