^

Bansa

Botika dapat may pharmacist

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat umanong may pharmacist ang bawat bo­tika.

Ito ang paalala ni Phi­lippine Pharmacists Association (PPHA) Executive Director Yolanda Robles sa publiko kung saan sinabi nito na kailangang may pharmacist ang bawat botika, maliit man o malaki.

Ayon kay Robles, ka­ramihan anya sa mga botika ngayon ay may sertipikasyon ng isang pharmacist, pero kadalasang wala naman ito sa botika para magpayo sa mga bumibili o may sakit.

Labag anya ito sa batas dahil requirement ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagkakaroon ng pharmacist sa mga botika.

Bukod dito, sinabi ni Robles na delikado rin ang botikang walang pharmacist dahil naibebenta lamang ang gamot na parang kendi.

Inihalimbawa ni Robles ang mga antibiotic na nabibili na ngayon over the counter o kahit walang reseta at tingi-tingi depende sa kagustuhan ng bumibili, kahit na pitong araw ito dapat iniinom.

Gayunman, nilinaw naman ni Robles na ang napabalitang 70% ng mga botika na walang pharmacist ay base lamang sa isang lugar kung kaya’t may proyekto ngayon ang PPHA para suyurin ang buong bansa at alamin ang mga botikang walang pharmacist.

Hinimok din nito ang FDA na paigtingin ang monitoring sa mga botika. Nabanggit naman ni Robles na tulad ng mga nurse, kakaunti na rin ang pharmacists sa bansa dahil sa kaliitan ng sweldo.

AYON

BOTIKA

BUKOD

DAPAT

DRUG ADMINISTRATION

EXECUTIVE DIRECTOR YOLANDA ROBLES

PHARMACIST

PHARMACISTS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with