Political ads dapat mas mura sa regular ads
MANILA, Philippines - Sa gitna ng isyu tungkol sa haba ng political ads ng mga tumatakbong kandidato, ipinaalala kahapon ng ilang senador sa mga may-ari ng istasyon ng radyo at telebisyon na dapat ay mas mura ng 30% ang mga political ads kaysa sa mga regular ads.
Sinabi ni Sen. Edgardo Angara na sa ngayon ang 30 segundong haba ng political ads sa telebisyon ay aabot sa P450,000.
Napakalaking pera aniya ang dapat gugulin kung magagamit ng isang kandidato ang 120 minutong nakalaan para sa kanya sa bawat istasyon ng telebisyon bukod pa sa political ads para sa radyo.
“Ang isang spot ngaÂyon, 30 seconds, will cost the candidate P450,000 sa TV. So ‘yung isang million mo ay dalawa at kalahati spot lang,†ani Angara.
Naniniwala rin si Angara na hindi magiging ‘competitive’ ang isang kandidato kung tatlo lamang ang spot nito sa telebisyon sa isang araw.
Aminado ang senador na hindi talaga pabor sa mga kandidatong walang pera ang pagpapalawig ng haba ng oras para sa mga political ads dahil ang makakagawa lamang nito ay ang mga kandidatong may malaking pondo.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na dapat mas mura ang mga political ads kaysa sa regular ads dahil wala namang ibinebentang produkto ang mga kandidato.
- Latest