1,190 nakinabang sa SPES ng Caloocan
MANILA, Philippines - Umabot sa 1,190 estudiyante ang nakinabang sa Special Program for Employment of Students (SPES) ng Caloocan City ngayong taon na layuning matulungan ang mga ito na kumita sa panahon ng bakasyon at matulungan ang kanilang mga magulang sa gastusin sa kanilang pag-aaral.
Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri, 600 sa bilang na ito ang nagmula sa South habang ang natitirang 590 ay nagmula naman sa North Caloocan.
Ang mga estudiyanteng napiling SPES ay itatalaga sa iba’t-ibang tanggapan sa main city hall at city hall north kung saan ay magtatrabaho ang mga ito ng 20-working days at makasasahod ng minimum salary.
Makukuha ng mga SPES ang 60% sa kanilang kikitain sa lokal na pamahalaan habang ang natitirang 40% naman ay manggagaling sa Department of Labor and Employment matapos ang kanilang araw ng pagpasok.
Ang programang ito ni Echiverri at ng DOLE ay upang matulungan ang mga mahihirap na estudiyante upang makakuha ang mga ito ng gagamitin sa kanilang pag-aaral at hindi masayang ang panahon ng bakasyon.
Sa pamamagitan din nito, matuturuan ang mga napiling SPES sa mga gawain sa iba’t ibang tanggapan sa city hall. Layunin din ng programang ito na matutunan ng mga estudiyante ang pagsisilbi sa publiko.
- Latest