^

Bansa

Kritiko hinamon ni Banal

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Quezon City Rep. Bolet Banal ang kanyang mga kritiko o kalaban na kasuhan siya sa Commission on Elections para maimbestigahan kung merong basihan ang mga akusasyon sa kanya.

Sentro ngayon ng atake ang programa ni Banal na continuing education and wellness dahil patuloy umanong nililinlang ng kanyang mga kalaban ang mamamayan hinggil sa totoong layunin ng Kaya Natin’s distribution ng “Estudyante” at medicine vouchers sa ikatlong distrito ng Quezon City.

Ginawa ni Banal ang hamon bilang reaksyon sa naglabasang ulat na merong nagsampa sa Comelec ng reklamo laban sa kanya.

“Konsehal pa lang ako, pinatutupad ko na yung programang pang-edukasyon. Sana naman, huwag na nilang siraan ang mga programang hindi nila nagawa o di nila kayang pantayan. Taong bayan naman ang nakikinabang, lalo na ang mga mag-aaral ng ikatlong distrito,” dagdag ni Banal.

Nauna rito, inamin ni United Nationalist Alliance Rep. Toby Tiangco sa isang panayam ng Unang Hirit ng GMA-7 na hindi sangkot si Banal sa anumang vote-buying scheme.

“In fairness naman kay Cong. Bolet, matagal na pala niyang proyekto ang pagbibigay ng school supplies. At ang mga vouchers ay ipinamigay bago pa magsimula ang panahon ng kampanya, kaya hindi siya namimili ng boto,” sabi pa ni Tiangco.

 

vuukle comment

BOLET

BOLET BANAL

COMELEC

KAYA NATIN

QUEZON CITY

QUEZON CITY REP

TOBY TIANGCO

UNANG HIRIT

UNITED NATIONALIST ALLIANCE REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with