Legarda sa mga OFWs: Bumoto kayo!
MANILA, Philippines - Hinikayat ni reelectionist Sen. Loren Legarda ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na i-exercise ang kanilang karapatan na bumoto at pumili ng susunod na lider ng bansa.
Ginawa ni Legarda ang pahayag sa pagsisimula ng Overseas Absentee Voting (OAV) na nagsimula kahapon at magtatapos sa Mayo 13.
“Overseas Filipinos should take advantage of the opportunity to choose their next leaders, and to choose wisely,†ani Legarda, co-author ng Overseas Absentee Voting Law of 2003.
Umaasa din ang senadora na magiging ‘smooth’ ang isang buwang botohan para sa mga OFWs sa lahat ng voting precints sa ibang bansa.
“Hopefully this time, the 975,263 registered Filipino voters overseas will exercise their right to vote today up to May 13,†sabi ni Legarda.
Sinabi pa ng senador na dapat rin na tiyakin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naasistehan ng mabuti ang mga registered overseas Filipino voters sa kanilang pagboto sa mga embahada ng Pilipinas at konsulado sa ibang bansa.
Kasabay nito, tiniyak din ni Legarda, chair ng SeÂnate Committee on Foreign Relations, sa mga OFWs na kanyang bibigyan ng prayoridad ang kapakanan ng mga ito sa susunod niyang termino bilang senador.
- Latest