^

Bansa

Sa pagiging judge sa school paper… Media muling inisnab ng DepEd

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling inisnab ng Department of Education (DepEd) ang mga mamamahayag na nagko-cover at naghahatid ng balita sa ahensya makaraang hindi mag-imbita bilang mga huwes sa nakalipas na “school paper contest” ng National School Press Conference (NSPC).

Ayon sa mga reporter na nakatalaga sa ahensya, ito na ang ikalawang sunod na taon na hindi nag-imbita ng mga tunay na mamamahayag ang DepEd para maging judges sa mga ginagawang school paper ng mga mag-aaral sa “journalism” sa elementary at high school.

Pawang mga college professors at ibang mga personal na kakilala umano ang inimbitahan ngayon ng DepEd bilang mga judges.  Kuwestionable umano ang pagkuha ng mga judges lalo na at karamihan sa mga ito ay hindi naman nakaranas ng tunay na pagiging “reporter” o pagsusulat sa tunay na pahayagan at puro teorya lamang.

Sinabi naman ni Tina Ganzon, outgoing Director ng DepEd Communications Unit, na hindi sila ang humahawak ng pagkuha ng mga magiging judge sa NSPC na dinisisyunan ng mga opisyal ng Bureau of Elementary Education (BPDE) at Bureau of Secondary Education (BSE) na siyang humahawak sa NSPC.

Ipinarating na umano nila ang problema kay DepEd Secretary Armin Luistro na inutusan na umano ang mga Bureau Directors na ayusin ang pagpapatakbo nito sa susunod na taon.

Nabatid na isinasagawa ang judging ng mga “working media” sa NSPC upang matiyak na makakasunod ang mga estudyante sa “journalism” sa kalidad ng pamamahayag tulad ng tamang pagsusulat, tamang pagkuha ng litrato, editing, at iba pa na isinasagawa ng pang-nasyunal na media.

BUREAU DIRECTORS

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION

BUREAU OF SECONDARY EDUCATION

COMMUNICATIONS UNIT

DEPARTMENT OF EDUCATION

NATIONAL SCHOOL PRESS CONFERENCE

SECRETARY ARMIN LUISTRO

TINA GANZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with