PNoy kakausapin sa Malacañang… Bolkiah hands-off sa Sabah issue
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Malacañang na hindi pag-uusapan nina Pangulong Benigno Aquino III at Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei ang isyu sa Sabah claim ng angkan ni Sulu Sultan Jamalul Kiram lll sa kanilang one on one talks sa Palasyo ngayong umaga kaugnay sa 2-day visit ng Sultan ng Brunei sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi kasama sa agenda ng pag-uusapan nina Pangulong Aquino at Sultan Bolkiah ang ukol sa Sabah claim gayundin ang tungkol sa maritime isyu sa West Philippine Sea particular sa Spratly island.
Nasa bansa si Bolkiah para sa kanyang 2-araw na pagbisita sa Pilipinas. Dumating kahapon bandang alas-4:00 ng hapon sakay ng private plane si Bolkiah.
Bandang alas-11:00 ng umaga ang courtesy call ni Bolkiah kay PaÂngulong Aquino sa MaÂlacañang matapos ang wreath laying nito sa bantayog ni Gat. Jose Rizal sa Luneta Park bandang alas-7:00 ng umaga.
Idinagdag pa ni LaÂcierda, walang pagtutol ang gobyerno na bumalangkas ang ASEAN ng tungkol sa code of conduct sa South China Sea.
“We have always agreed that the ASEAN is in the process of crafÂting and drafting the Code of Conduct for the South China Sea. So I think, on disputes, that should be the venue for or should the venue and there should—the code is being drafted precisely to address dispute, the maritime disputes,†sabi pa ni Lacierda.
Sinabi ni Lacierda, ang pagbisita ni Sultan Bolkiah ay upang lalong palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Brunei.
Ito ay bilang paghaÂhanda din ni Bolkiah bilang host country ng 22nd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na gaganapin sa Bandar Seri Begawan sa Brunei mula April 25-26 kung saan ay dadalo din si Pangulong Aquino.
Wala din sa schedule ni Bolkiah sa 2-araw na pagbisita nito sa bansa ang anumang meeting nito kay Sulu Sultan JaÂmalul Kiram III kaugnay sa Sabah claim nito.
- Latest