^

Bansa

Alok na dayalogo ng Sokor, ibinasura ng Nokor!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng North Korea ang kahili­ngan ng South Korea na magkaroon ng dayalogo o mapayapang pag-uusap para sa magandang hinaharap ng Kaesong joint industrial complex na pinatatakbo ng nasabing dalawang bansa na ipinasara ng Nokor ng nakalipas na linggo kasunod ng matin­ding tensyon.

Ang alok na dalhin sa “dialogue table” ang usapin sa Kaesong complex ay tinawag ng Nokor na “empty political gesture” at “meaningless” o walang saysay na hakbang ng Sokor.

Ang mapayapang pag-uusap na alok ng Sokor ay kasunod sa suspensyon ng operasyon ng Kaesong complex kung saan naapektuhan ang may 5,300 Nokor at 600 Sokor employees bunsod na rin sa “state of war” na idineklara ng Nokor laban sa Sokor.

Bunsod nito, inaasahang itutuloy ng Nokor ang pagpapakawala ng missile sa kabila ng babala at panawagan ng US, United Nations, Japan at international community na huwag ituloy ang missile attack.

Ipinalalagay na mag­lulunsad ng missile ang Nokor laban sa Sokor ng hanggang Abril 15, gaya ng una nilang banta na magpapakawala ng untested missile na may kakayahang makaabot ng 4,000 kilometro na pina­ngangambahang may trajectory o target patu­ngong Sokor, Japan at US military bases sa Guam.

 

ABRIL

BUNSOD

IBINASURA

KAESONG

NOKOR

NORTH KOREA

SOKOR

SOUTH KOREA

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with