^

Bansa

Mas malaking danyos sa Tubbataha inayunan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inayudahan ng grupong Action for Consumerism and Transparency for Nation Building (ACTION) ang pahayag nina senatoriables Jamby Madrigal at Loren Legarda na dapat ay magbayad ng mas malaki ang Estados Unidos sa pinsalang idinulot ng pagkaka­sadsad ng USS Guardian saTubbataha reef.

Sinabi ni Jake Silo, tagapagsalita ng ACTION, kailangang mas malaki ang ibayad na kompensasyon sa nangyaring pagkasira ng coral reefs saTubbataha dahil hindi maaaring masukat ang pinsalang idinulot ng sakuna na malamang ay umabot pa sa mga susunod na salinlahi. Ayon kay Silo, ang malaking hala­gang parusa sa sinumang sisira ng kalikasan tulad ng Tubbataha ay may layong iiwas ito sa mga pinsala pang darating dahil siguradong magdadalawang isip at mag-iingat na ang sinuman na mapinsala ang nasabing coral reef na sikat sa buong mundo dahil sa aquatic biodiversity.

Sabi pa ni Silo, mas mataas dapat ang parusa dito dahil may kasong criminal sa illegal fishing/poaching at sumira rin ng coral formation sa Tubbataha.

Iginiit naman ni Sen. Chiz Escudero na dapat dagdagan ng gobyerno ang pondo para sa proteksiyon ng mga environmental treasures ng bansa katulad ng Tubbataha Reef. Ayon kay Escudero, dapat ding manguna ang Coast Guard at Philippine Navy sa protection at preservation efforts ng gobyerno.

Matatandaan na bagaman at naalis na sa Tubbataha ang minesweeper USS Guardian ay panibagong Chinese fishing vessel naman ang sumadsad at  hindi makaalis doon ngayon.

AYON

CHIZ ESCUDERO

COAST GUARD

CONSUMERISM AND TRANSPARENCY

ESTADOS UNIDOS

JAKE SILO

JAMBY MADRIGAL

LOREN LEGARDA

TUBBATAHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with