^

Bansa

Kahirapan tuldukan - Bam

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung ang nasimulang mandato ng kanyang pin­sang si Pangulong Noy­noy Aquino ay laba­nan ang korapsiyon at ka­ ti­walian sa gobyerno, ang hamon ng panahon nga­yon, ayon sa Team PNoy se­nato­riable na si Benigno “Bam” Aquino, ay tapusin ang ka­hirapan.

Ito ang kanyang pahayag matapos makuha ang suporta ng One Nation Movement, isang civil society organization, sa kanilang covenant-signing kamakailan.

Ininderso si Bam Aquino ng grupo dahil kaisa nila ito sa pagsulong ng mga platapormang nagla­la­yong magtaas ng skill ng manggagawa upang matugunan ang demand ng labor market. Kapag na­halal nais niyang magkaroon ng National Internship Program upang makapagtulungan ang es­kuwelahan at mga industriya sa pagdebelop at paghasa ng skills ng mga kabataan na angkop sa industriyang nais nilang pasukan.  

Ayon pa sa batang Aquino, ito ay ang pagpapatotoo ng pangako ni Pangulong Noy noong tumatakbo pa lang ito bilang pangulo na “Kung walang corrupt, walang mahirap.”

Naniniwala siyang­ nga­yon mas ka­ilangan magkapit-bisig ang iba’t ibang sector ng lipunan tulad ng One Nation at ng pamahalaan para masigurong dumaloy at maramdaman ng bawat mamamayan ang bagong sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng paglago ng kita ng bawat pamilyang Pilipino.

“Sa pag-asenso ng bansa natin, ang hangad ko po ay iyong di na ma­pi­­pilitang mangibang-ba­yan pa ang mga kababa­yan natin para mas ku­­mita at umasenso. Mana­nalo lamang tayo sa hamong ito kung mas sulit ang kita ng bawat pamilyang Pilipino at sama-sama nilang madadama ang asenso kapag buo ang pamil­ya nila,” pahayag pa ni Aquino.

 

vuukle comment

AQUINO

AYON

BAM AQUINO

NATIONAL INTERNSHIP PROGRAM

ONE NATION

ONE NATION MOVEMENT

PANGULONG NOY

PILIPINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with