^

Bansa

Maliksi mayor pa rin - SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mananatili sa kanyang puwesto si Emmanuel “Manny” Maliksi bilang alkalde ng Imus, Cavite matapos pagbigyan ng Supreme Court en banc ang hiling nito na motion for reconsideration.

Bago ito, nagpalabas ang SC ng kautusan noong Marso 12 na nagdedeklara sa kalaban ni Maliksi na si Homer Saquilayan bilang tunay na nanalo sa pagka-alkalde noong 2010 elections.

Subalit nabaligtad ang desisyon matapos na bumoto pabor kay Maliksi sina Associate Justices Lucas Bersamin, Presbitero Velasco, Teresita Leonardo-de Castro, Arturo Brion, Diosdado Pe­ralta, Jose Mendoza, Bi­en­venido Reyes at Jose Perez.

Kontra naman sa pag­ papalabas ng motion for reconsideration sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno gayundin sina Associate Justices Antonio Carpio, Mariano del Castillo, Ro­berto Abad, Martin Villa­rama Jr,, Estela Perlas-Bernabe at Marvic Leo­nen.

Sa botong 8-7 ng mga Mahistrado, ipinag-utos ng SC na ibalik sa Co­melec ang nasabing usapin at bigyan ng “due process” si Mayor Maliksi, base na rin sa doktrina na ang naturang proseso ay isang karapatan ng bawat mamamayan.

Matatandaan na pagkatapos noong 2010 elec­ tions ay idineklarang panalo si Saquilayan, ngunit agad na nagprotesta sa Regional Trial Court si Maliksi sanhi ng umano ay malawakang dayaan.

Matapos ang mga pagdinig ng RTC napatunayan nito na ang tunay na nanalong alkalde ng Imus ay si Maliksi, dahilan kaya pinaalis sa pwesto si Saquilayan at iniupo ang tunay na nanalong si Maliksi.

Dahil dito, umapela naman si Saquilayan sa Comelec na agad namang pinaboran ng Co­melec, ngunit napigilan ito dahil sa ipinalabas ng Korte na Temporary Res­training Order (TRO).

Matatandaan na nagkaroon ng tensiyon kamakailan ng lumusob sa Imus City Hall ang grupo nina Saquilayan sa pa­ngunguna mismo ni Cavite Gov. Jonvic Re­­­mulla at nagtangka ang mga ito na paalisin sa pwesto si Maliksi dahil ipatutupad na umano nila ang “Order of Exe­cution” na ipinalabas ng Co­melec dahil na rin sa kautusan ng SC na alisin na ang bisa ng TRO.

Kasabay ng hindi pag-alis ni Mayor Maliksi sa pwesto ay naghain rin ang mga abogado nito ng mosyon sa Kataas-ta­ asang Hukuman na na­ging dahilan ng ipina­labas na kautusan ng Supreme Court kahapon.

ARTURO BRION

ASSOCIATE JUSTICES ANTONIO CARPIO

ASSOCIATE JUSTICES LUCAS BERSAMIN

CAVITE GOV

MALIKSI

MAYOR MALIKSI

SAQUILAYAN

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with