Nagpatakas sa Reyes bros. sinibak
MANILA, Philippines - Matapos na mapatunayang sangkot sa pagpapatakas kina dating Palawan Governor Mario Joel Reyes at kapatid na dating Coron Mayor Mario Reyes, na umano’y utak sa pagpaslang sa brodkaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega sinibak ng Department of Justice ang dalawang kawani ng Bureau of Immigration.
Batay sa Administrative order ng DOJ, napatunayang sangkot sina Rogelio Udarbe Jr., AdmiÂnistrative Aide III at Wesley Gutierrez, Security Guard 1 na nasa likod ng pagpapatakas kay Reyes.
Si Udarbe ay nahaharap sa mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at parusang pagkakatanggal sa serbisyo at pagkakansela sa lahat ng kanyang benepisyo
Napatunayan ng BI na si Udarbe ang nangasiwa para sa pagpapatakas kay Reyes patungong Vietnam noong March 18, 2012.
Kinasuhan din si Gutierrez ng Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service.
Si Gutierrez ang Immigration officer na naÂngasiwa sa pasaporte ni Reyes kahit na peke ito o tampered.
- Latest