Ex-OFW solo winner ng P7-M mega lotto
MANILA, Philippines - Isang dating OFW ang solong nag-uwi ng P7,867,515.60 jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 nitong April 5 draw.
Natumbok ng 40-anyos na ama mula sa Parañaque City ang tamang kombinasyon na 12-29-40-32-41-01 makaraang tumaya ng P10.
Mula pa 1995 ay mananaya na sa lotto ang ating winner. Dalawang taon siyang nagtrabaho sa Singapore sa isang construction project at dun ay tumataya rin ng lotto.
Nang bumalik na siya sa Pilipinas, inalagaan at tinayaan niya ang mga numero sa lahat ng lotto games at matapos ang isa’t kalahating taon nagbunga ang pagtitiyaga, hindi sa Singapore, kundi sa sarili niyang bayan natupad ang kanyang mga pangarap.
Agad na bibili ng bahay at lupa ang bagong milyonaryo, magtatabi para sa pag-aaral ng apat na anak na pawang nasa kolehiyo at magtatayo ng sariling negosyo.
- Latest