^

Bansa

Pagbabantay sa Tubbataha mas higpitan pa - Jamby

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas mahigpit na pagbabantay sa Tubbataha Reef ang iginiit ni Team PNoy senatorial bet Jamby Madrigal dahil sa dumadalas na incursion o ilegal na pagpasok ng mga dayuhang barko na nagdudulot ng matinding pinsala sa tinaguriang Unesco World Heritage site.

Sinabi ni Madrigal na halos katatapos lang maalis ang USS Guardian sa Tubbataha, ngunit mayroon namang Chinese fishing vessel ang sumadsad rin malapit sa Ranger Station ng naturang reef.

Ani Madrigal, pangunahing may akda ng Tubbataha Reefs Natural Park Act of 2009, dapat umanong paigtingin ang pagbabantay, magsampa ng kaso at patawan ng mabigat na parusa ang mga ilegal na pumapasok at nakakasira sa Tubbataha.

“Dapat pag-ibayuhin ang pangangalaga sa Tubbataha Reef dahil ito’y likas yaman ‘di lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo,” diin niya.

Una rito, minaliit ni Madrigal ang US$1.4 million penalty na sisingilin ng Pilipinas sa US government bunga ng pagkasira ng 2,345 square meters na bahagi ng Tubbataha. Aniya, hindi sapat ang salapi dahil hindi agarang maibabalik ang namatay na corals.

ANI MADRIGAL

ANIYA

DAPAT

JAMBY MADRIGAL

PILIPINAS

RANGER STATION

TUBBATAHA

TUBBATAHA REEF

TUBBATAHA REEFS NATURAL PARK ACT

UNESCO WORLD HERITAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with