Mag-asawang Cayetano inireklamo
MANILA, Philippines - Inakusahan ang mag-asawang Senador Alan Peter Cayetano at maybahay nitong si Lani ng umano’y paggamit ng “dirty tricks†sa mga katunggali.
Ito’y bunsod ng pag-ipit umano sa pondo ng maintenance and other operating expenses (MOOE) sa Office of the Vice Mayor at sa tanggapan ng Sangguniang Panlunsod dahil ang mga opisyal ay kalaban daw ng mga Cayetano.
Sinasabi ng mga kritiko ng Cayetano Dynasty sa Taguig na ang opisina ni Lani ay may budget umano na P266.2 milyon ngayong taon habang “zero budget†ang ibinigay nito sa mga katunggali.
Si Lani ang kasalukuÂyang alkalde ng Taguig City ngunit ayon sa mga kritiko, ang asawa nitong senador ang siya umanong nasusunod sa lahat ng bagay.
Ayon pa sa mga kritiko, gusto raw ni Cayetano na makontrol ang lokal na politika.
Tinalo noon ni Lani si retired Supreme Court justice Dante Tinga sa lamang na 2,420 boto lamang.
Dating alkalde sa TaÂguig ang anak ni Tinga na si Sigfrido na nakatapos ng kaniyang 3 termino.
Ang bise alkalde naman na si George Elias ay kaalyado ng mga Tinga. Ang hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya ay nagsimula ng talunin ng nasirang si Sen. Renato Cayetano si Dante Tinga sa pangka-assemblyman noong 1984.
Matapos manalo si Lani, kinausap diumano ng asawa nitong senador ang mga kalaban ng asawa sa politika na sina Councilor Milagros Valencia at Jeffrey Morales.
Ayon kay Valencia, pinangakuan umano siya ng milyong kita kada taon at may dagdag pang P125,000 kada buwan mula sa kontrata ng basura. Ibinasura ni Valencia ang alok.
“I must admit I was tempted, but I decided to stick it out with my party,†ayon kay Valencia sa isang panayam.
Sa kaniyang parte, sinabi ni Morales na nakipagkita sa kaniya sa Dusit Hotel ang senador kung saan inalok din umano siya ng gantimpala kapalit ang suporta nito kay Lani. Hindi umano ito nagtagumpay.
Una rito, pinarataÂngan ni mayoral candidate Rica Tinga si Lani ng vote-buying matapos umanong magpakawala ng P36 milyong halaga ng “educational vouchers†sa 7,000 estudyante ng high school.
- Latest