^

Bansa

Financial rewards, scholarship sa mga atletang magwawagi sa Palarong Pambansa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaloob ang pribadong sektor ng financial rewards, kabilang na ang scho­larship, sa mga atleta namagwawagi sa Pa­larong Pambansa.

Ikinatuwa naman ito ni Education Secretary Br. Armin Luistro dahil patunay lamang umano ito na sa lumalawak na involvement ng pribadong sektor sa paghubog sa mga kabataan.

Nabatid na ang financial reward ay ibibigay bukod pa sa medalya at tropeo na dati nang ipinagkakaloob sa mga magwawaging manlalaro.

Kabilang sa mga donors mula sa pribadong sektor ay ang Nestle – Milo, Smart, Ever Bilena Cosmetics, Philippine Airlines, Aboitiz Foundation, Ang-Hortaleza Foundation, Johnson & Johnson Philippines, San Miguel Foundation at Ayala Foundation.

Ayon sa DepEd, sa ngayon ay nakatanggap na sila ng mga pledge na cash at in kind mula sa mga private sector na nagkakahalaga ng P2 milyon na ipagkakaloob bilang incentive sa mga top performing athletes.

May mga alok din umano ng scholarship para sa mga mamumukod-tangi sa mga atleta sa ilang piling laro sa Palaro.

Ang 2013 Palarong Pambansa ay gaganapin sa Governor Mariano Perdices Sports Complex sa Dumaguete City Negros Oriental mula Abril 21-27.

Inaasahang lalahukan ito ng mahigit 10,000 elementary at secondary school students mula sa iba’t ibang public at private schools sa buong bansa.

Kumpiyansa si Luistro na ang pagbibigay ng insentibo sa mga manlalaro ay higit na makahihikayat sa kanila upang lalo pang magsumikap na makamit ang kanilang layunin.

“Reward comes to those who work for it,” ani Luistro.

vuukle comment

ABOITIZ FOUNDATION

ANG-HORTALEZA FOUNDATION

ARMIN LUISTRO

AYALA FOUNDATION

DUMAGUETE CITY NEGROS ORIENTAL

EDUCATION SECRETARY BR

EVER BILENA COSMETICS

GOVERNOR MARIANO PERDICES SPORTS COMPLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with