^

Bansa

Globe Asiatique owner ‘di makakalabas ng Pinas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Department of Justice ang pagpapalabas ng hold departure order (HDO) ng husgado laban sa may-ari ng Globe Asia­tique na si Delfin Lee.

Ayon kay DOJ Pro­se­ cutor General Claro Arellano, ang nagpalabas ng HDO laban kay Lee at apat na iba pang sangkot sa kasong syndicated estada ay si Judge Amifaith Fider-Reyes ng Pam­panga Regional Trial Court  Branch 42 kunsaan ay may kinakaharap na kaso ang grupo ni Lee.

Ang pagpigil na ma­ kalabas ng Pilipinas si Lee at mga kapwa res­pondent ay bunsod ng housing scam na naka­ bin­bin ngayon sa natu­ rang hukuman.

Bukod kay Lee, kasama rin sa HDO ang kanyang anak na si Dexter at mga opisyal ng Globe Asiatique na sina Christina Sagun at Cristina Salagan, at ang opisyal ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na si Alex Alvarez.

Sa pagpapalabas ng HDO, sinabi ng korte na binigyan nang bigat ang public interest at public welfare na sangkot sa kaso ng Globe Asiatiqe kaysa sa constitutional right to travel ng mga akusado.

Ang syndicated estafa laban kay Lee ay isang non-bailable offense.

vuukle comment

ALEX ALVAREZ

CHRISTINA SAGUN

CRISTINA SALAGAN

DELFIN LEE

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL CLARO ARELLANO

GLOBE ASIA

GLOBE ASIATIQE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with