MM niyanig ng 5.4 lindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang Northern at Central Luzon partikular ang Metro Manila kahapon ng alas 10:27 ng umaga nang gumalaw ang Casiguran faultline.
Sa ginanap na press conference kahapon, siÂnabi ni Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ka nilang naitala ang sentro ng lindol sa 17 kilometro ng Baler, Aurora na may lalim ng lupa na 5 kilometro at ito ay tectonic ang origin.
Niliwanag ni Solidum na wala namang direkÂtahang epekto sa Marikina faultline na malapit sa MM ang paggalaw ng Casiguran faultline.
Ang naturang pagyanig ay naramdaman sa lakas na Intensity 5 sa Baler, Aurora; Intensity 4 sa Palayan City, Cabiao, Bongabon at San Jose, Nueva Ecija; Santiago City, Isabela; Intensity 3 sa Tarlac City; Cabanatuan City; Dagupan City; CauaÂyan City, Isabela; Infanta, Quezon; Mandaluyong City; Quezon City; Taguig City; Pasay City; Antipolo City, Intensity 2 sa Clemente, Tarlac; Aglipay at Maddela, Quirino; Manila City; Malolos City, Bulacan samantalang Intensity 1 sa Clark, Pampanga; Makati City.
Wala namang naitalang nasugatan o gusaling nasira sa insidente.
- Latest