^

Bansa

Epal candidates pinadalhan ng warning ng poll body

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinadalhan na ng Commission on Elections (COMELEC)  ng poster rule at warning ang mga pa­saway at epal na local candidates bilang babala sa pag­labag sa poster rule kaugnay sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr.  ang  mga kandidato sa Metro Manila ang una nilang pinadalhan ng  babala o notice  para tanggalin ang kanilang campaign paraphernalia na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Sinabi ni Brillantes,  karamihan sa kanilang natanggap na reklamo ay sa pamamagitan ng twitter account ng poll body.

Nakasaad sa ipinadalang warning ng Comelec ay ang 3 araw na taning  o ultimatum  sa mga lumabag na kandidato  sa  panuntunan  kaugnay sa election. Kakasuhan din  ang sinumang kandidato na mabigong makasunod sa nasabing abiso.

AYON

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

KAKASUHAN

METRO MANILA

NAKASAAD

PINADALHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with