Fitch Rating ng PH, walang direktang pakinabang - Solon
MANILA, Philippines - Hindi pa rin umano direktang pakikinabaÂngan ng mga Filipino ang investment rating upgrade ng Pilipinas na iginawad ng Fitch Rating sa bansa.
Sinabi ni House MinoÂrity leader Danilo Suarez, bagamat good news, hindi pa rin dapat magkumpiyansa ang administrasyong Aquino .
Ito ay dahil sa hindi pa rin umano nangaÂngahulugan na direktang mapapakinabangan ng publiko ang nasabing raÂting upgrade ng bansa.
Ayon kay Suarez, kailngan pa rin hintayin kung ano ang magiging resulta ng huling survey sa kagutuman at kahirapan lalo pa noong March 2012 ay nasa near-crisis situation na ito ng pumalo sa 28.6 porsiyento.
Sa kabila nito, paliwanag pa ni Suarez na dahil sa investment rating upgrade ay makakatipid ng malaking pondo sa pagbabayad ng utang ang bansa dahil bababa ang interes nito.
Giit pa ng mambabatas, makikinabang lamang umano ang mahihirap kung gagamitin ng gobyerno ang matitipid sa pagbayad ng interes ng utang ng bansa sa mga proyektong direktang magseserbisyo tulad ng dagdag na charity funds sa mga pampublikong pagamutan sa bansa.
- Latest