^

Bansa

Computers sa NAIA dispalinghado

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inirereklamo ng mga immigration officer na naka-duty sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang computer servers sa nasabing paliparan na ikinabit noon pang 2000 dahil depektibo na umano ang mga ito.

Ayon sa sources, binalak ng ilang opisyal sa Bureau of Immigration na mag-pasubasta tungkol sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS) pero ipinatigil matapos ma­diskubre na minamanipula umano ito ng mga sindikato sa loob.

“Nagpapasalamat ang ilang bidders dahil kung natuloy ang pasubasta ng BI ay malamang malugi lamang ang administrasyon ni PNoy ng P50 million dahil tiyak kung anu-ano lang ka-tsipan ang ipagkakabit ng mga sindikatong sinasabing ‘taker’ ng pasubastang ito”.

Isang alyas Jimmy M, a.k.a ‘baklita’ ang kumukumpas ng pasubasta sa BI kasabwat ang isang alyas Lawrence, milyonaryong tsekwa na kasama sa sindikato ng mga bidder sa nasabing lugar.

“Kawawa naman kaming mga immigration officers (IO’s) kung ang pagkakamali ng computer ay kami ang mananagot o mapagbibintangan,” sabi ng source.

Ang 13-year old computer server sa NAIA ang pinaglalagyan ng mga taong may derogatory information, hold departure order, mga nasa watchlist at marami pang iba.

May 5-10 million pasahero ang umaalis at dumarating sa NAIA kada taon kaya kailangan ilagay na sa ayos ang kanilang computer server.

AUTOMATED FINGERPRINT IDENTIFICATION SYSTEM

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

INIREREKLAMO

ISANG

JIMMY M

KAWAWA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with