CHED binira sa tuition hike
MANILA, Philippines - Binatikos ni Gabriela partylist Rep. Emmie de Jesus ang Commission on Higher Education (CHED) dahil sa kabiguan nito na masawata ang patuloy na pagtataas ng matrikula sa mga pribado at pampublikong kolehiyo at unibersidad.
Giit ni de Jesus, hindi naman utu-uto ang mga estudÂyante para pangakuan lamang na titingnan nila ang mga bogus tuition fee consultations.
Bukod dito, hindi rin umano kailangan ng mga estudÂyante ang pangako o pang-uuto kundi isang aksyon laban sa mga mapagsamantalang paaralan.
Hinamon din ng mambabatas ang CHED na ipakita na hindi sila stamp pads ng malalaking negosyante na nasa likod ng paaralan at unibersidad sa bansa.
Dapat din umanong magpasa ng isang moratorium sa tuition fee hikes ang CHED at imbestigahan ang mga bogus tuition increase consultations upang huwag itong maulit at kailangan din may managot at lapatan ito ng kaukulang regulasyon.
Ipinaliwanag pa ni de Jesus ang Memorandum Order (CMO) No. 3, Series of 2012 ng CHED na nagsasaad ng mas mahigpit na guidelines bago ang pagtataas ng matrikula.
- Latest