^

Bansa

USS Guardian naalis na sa Tubbataha

Ludy Bermudo/Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang naalis ang sumadsad na USS Guardian Ship sa Tubbataha Reef dahil sa magandang panahon.

Ayon sa Philippine Coast Guard, pinakahu­ling inangat ang stern ng US Minesweeper, ang huling major parts ng barko, na sinimulang iangat kamakalawa, alas 8:00 ng umaga sa pagpapatuloy ng salva­ging operations na inilipat sa Borneo /S-7000 Barge.

Ang pagkakaalis ng huling bahagi ng barko ay maaga kaysa sa April 1 timetable na unang itinakda ng Tubbataha Management Office (TMO).

Nabatid na naiangat din ang ikalawang bahagi ng hull na tinatawag na AMR Auxilliary kung saan naroon ang machinery room at dating pinaglalagyan ng mga generator na nauna nang naialis mula sa barko.        

Kabilang sa nagtulong-tulong ang USS Safeguard, USNS Washington Chambers, Jason 25, SMIT Borneo, Barge S-7000, Tug Archon Tide at Tug Intrepid, Malayan Towage salvage vessel at BRP Romblon (SARV 3503).

Sa kasalukuyan, patuloy na lamang ang ginagawang paglilinis sa napinsalang bahagi ng Tubbataha Reef.

Sumadsad sa mga bahura ang USS Guardian noong Enero 17. Tinatayang may lawak na 4,000 square meters ang pinsalang idinulot ng barkong pandigma ng US sa mga reefs.

Tiniyak naman ng US na patuloy silang makiki­pagtulungan sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagsusuri at pagbabayad sa pinsala na nilikha ng insidente.

BARGE S

GUARDIAN SHIP

MALAYAN TOWAGE

PHILIPPINE COAST GUARD

TUBBATAHA MANAGEMENT OFFICE

TUBBATAHA REEF

TUG ARCHON TIDE

TUG INTREPID

WASHINGTON CHAMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with