^

Bansa

Tulong sa Pinoys sa Sokor ikinasa

Ellen Fernando at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglatag na ang Embahada ng Pilipinas ng ‘contingency plan” para tiyakin ang kaligtasan ng may 50,000 overseas Filipino workers sa South Korea na karamihan ay naninirahan sa Seoul matapos magdeklara ng state of war ang North Korea. 

Tiniyak ng DFA na nakikipag-koordinasyon na ang Embahada sa mga Filipino community sa Seoul at iba pang lugar sa South Korea.

Gayunman, sinabi ng DFA na sa kasalukuyan ay hindi pa nila kinokonsidera ang repatriation o paglilikas sa mga Pinoy sa nasabing rehiyon.

Nagdeklara ng “state of war” ang Nokor sa kalabang Sokor noong Sabado kasunod ng naunang mga banta ng North Korean leader na si Kim Jong-Un na kanilang bobombahin at iwa-wipeout ang limang bayan ng South Korea na malapit sa border ng Nokor.

Pinangangambahan na ang pahayag na state of war ng Nokor at anumang probokasyon ng militar sa border ng Nokor at Sokor ay magre-resulta ng “full scale conflict at nuclear war” sa buong Korean Peninsula.

Una nang nagpahayag ng galit ang Nokor matapos na ituloy ang South Korea-US joint military exercises sa kabila ng kanilang bantang gigiyerahin ang South Korea.

Ikinagalit din ng Nokor ang paggamit umano ng nuclear capable B-52s at B-2 stealth bombers sa South Korea-US war games.

Bilang tugon ng Nokor, iniumang nito noong Biyernes ang kanilang rockets para sa “merciless strike” na ipatatama umano sa sentro o pangunahing lupain ng US kung kinakailangan.

EMBAHADA

KIM JONG-UN

KOREA

KOREAN PENINSULA

NOKOR

NORTH KOREA

NORTH KOREAN

SOKOR

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with