Magpinsan inatado, isinilid sa sako
MANILA, Philippines - Isang magpinsang binata ang natagpuang nakasilid sa sako na tadtad ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Nakilala ang mga biktima na sina Arnel Castro, 19 at Reynaldo Castro, 21, kapwa ng Road 10, North Bay Boulevard North, Navotas City.
Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-8:00 ng umaga nang makita ng ilang batang kalye ang dalawang sako sa creek sa Sansiangco St., Barangay Tonsuya ng naturang lungsod.
Mabaho na ang amoy ng mga sako at nang tignan ang loob ay nakita ang mga bangkay ng magpinsan.
Lumalabas na may mga saksak sa katawan ang mga biktima at halos naaagnas na rin na hinihinalang sa ibang lugar pinatay at isinilild sa sako bago itinapon sa nasabing lugar.
Nabatid sa mga kaanak ng biktima na huling nakitang buhay ang dalawa dakong alas-3:00 ng hapon noong Marso 24, 2013 na papunta sa Area 1, Navotas City.
- Latest