^

Bansa

JV nagpasalamat sa no. 3 spot

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasalamat kaha­pon si United Nationa­list Alliance (UNA) senatorial candidate San Juan Rep. JV Ejercito Estrada matapos mas tumaas pa sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).

Umangat na sa ikatlong puwesto si Ejercito Estrada sa isinagawang pre-election survey sa pa­ gitan ng Marso 15 hang­gang 17.

Naniniwala si Ejercito na umangat siya sa pinakahuling survey ng SWS dahil na rin sa kanyang kasipagan at sinseridad na maglingkod sa taumbayan.

Lumalabas na isa si Ejercito Estrada sa “biggest gainers” sa hanay ng mga tumatakbong senador.

Umabot sa 48 porsi­yento ng mga respondents ang pumabor kay Ejercito Estrada.

 â€œMuli, salamat po sa sambayanang Pilipino sa patuloy ninyong pagpapakita ng suporta at tiwala sa akin. Sakaling mapabilang sa Senado, gagawin ko ang aking makakaya upang mapa­ginhawa ang buhay ng mga Pilipino,” ani Ejercito Estrada.

Bukod sa SWS kabilang din ang mambabatas sa 10 senatorial candidates na pinipili ng mga respondents sa mga survey na isinagawa ng Pulse Asia at StratPOLLS.

Kung papalaring ma­nalo makakasama ni Ejer­cito Estrada sa Senado ang kanyang ka­patid sa ama na si Sen.Jinggoy Estrada.

EJERCITO ESTRADA

ESTRADA

JINGGOY ESTRADA

PILIPINO

PULSE ASIA

SAN JUAN REP

SENADO

SHY

SOCIAL WEATHER STATION

UNITED NATIONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with