Consumer protection hiling ni Enrile
MANILA, Philippines - Hinimok ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet Jack Enrile ang pamahalaan na proteksyunan ang mga consumer sa mataas na presyo ng paÂngunahing bilihin gayundin sa mga basic services.
“Tungkulin ng pamahalaan na panatilihin na abot-kaya ng karaniwang mamamayan ang presyo ng bilihin at iba pang basic needs,†pahayag ni Enrile.
Ayon pa kay Enrile na kinatawan din ng unang distrito ng Cagayan, bagama’t ang food security ang kanyang pangunahing isinusulong sa kanyang kampanya, sinabi nito na bahagi din ng kanyang plataÂporma ang mabigyang proteksyon ang mga consumer sa walang patumanggang pagtaas ng presyo ng paÂngunahing bilihin.
“Fighting for consumer rights is closely linked to my advocacy of food security. If our farms produce enough crops to feed the population, what good is that if the people, especially the poor and low-income groups, are unable to purchase the food that they need. They will simply die of hunger,†paliwanag pa ni Enrile.
Pinuna rin ni Enrile ang “unfair trade practice†tulad ng pagmanipula sa mga presyo ng bilihin kung saan ang karampot na kinikita ng maliliit ay napupunta lamang sa mapagsamantalang negosyante na walang ibang inisip kundi ang kanilang sarili.
Si Enrile ang may-akda ng House Bill No. 0549 na kalaunan ay na-consolidate bilang HB4835 na naglalayong ipagbawal ang monopoly, manipulasyon sa presyo ng bilihin, diskriminasyon sa presyo ng bilihin at unfair trade practices.
Ang panukalang ito ni Enrile ay naglalayon na protektahan ang karapatan ng mga consumer kabilang ang pagtaas ng produktong petrolyo at walang habas na pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin.
- Latest