^

Bansa

Simbahan ‘wag gawing basurahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng environ­mentalist group na Eco­ waste coalition sa publiko laluna sa mga uuwi ng probinsiya na iwasang magkalat ng mga basura sa mga bus terminal at mga simbahan ngayong Semana Santa.

Ayon kay Tin Vergara ng Ecowaste, ang paalalang ito ng kanilang grupo ay upang hindi na maulit pa ang nangyari noong nakaraang taon na nag-iwan ng bundok na basura ang mara­ming tao sa mga bus ter­minal at simbahan.

Isang halimbawa anya ay ang tambak na basura na iniwan noong nakaraang taon ng mga deboto sa simbahan ng Antipolo City na halos nagmukha ng basurahan ang mga lansangan papunta dito at ang mismong mga gilid ng simbahan na karamihan sa mga basura ay tulad ng mga plastic cups, cellophane, mga straw at iba pa.

Giniit ng Ecowaste sa publiko na isama sa panata nila ang pagma­mahal sa kapaligiran at kalikasan at huwag ka­kalimutang irespeto ito.

ANTIPOLO CITY

AYON

ECOWASTE

GINIIT

HINILING

ISANG

SEMANA SANTA

TIN VERGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with