^

Bansa

Babala ng CHED pinabulaanan ng Olivarez College

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Politically motivated.” Ito ang tahasang pahayag ng Olivarez College tungkol sa ibinalitang babala ng Commission on Higher Education (CHED) na ipasasara ang kolehiyo  dahil mababa ang passing grade sa kursong nursing.

“For the record we are vigorously reputing this news as candidly baseless and apparently commingle with the political atmosphere now playing on air particularly in the city of Parañaque” anang sulat na ipinadala sa PS NGAYON ni Evangeline Olivares-Ilas, vice president for finance and administration.

Sinabi niya na ang balitang nanggaling sa CHED ay maaaring naglalayong siraan ang kanyang mga kapatid na sina  Cong. Edwin Olivarez na tumatakbo sa pagka-mayor ng Parañaque at Eric Olivares na tumatakbo sa Kongreso.

Tinuran ni Ilas na sa katunayan, ang naturang Kolehiyo ay isang grantee ng Level II Re-accredited status  mula sa Federation of Accrediting Agencies of the Philippines (FAAP) na nagpapatunay na ang Olivarez College ay  naka-comply sa requirement na mahigit sa 75 porsyento ng passing grade na higit pa sa national passing rate ang nakuha ng kolehiyo.

Idinagdag ni Ilas na bilang Level II accredited na kolehiyo, ang akreditasyon nito ay may bisa hanggang sa taong 2017.

Bukod dito, ang nursing course ng Kolehiyo ay may akreditasyon ng Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation.

EDWIN OLIVAREZ

ERIC OLIVARES

EVANGELINE OLIVARES-ILAS

FEDERATION OF ACCREDITING AGENCIES OF THE PHILIPPINES

HIGHER EDUCATION

ILAS

KOLEHIYO

OLIVAREZ COLLEGE

PHILIPPINE ASSOCIATION OF COLLEGES AND UNIVERSITIES COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with