^

Bansa

Magna Carta ’di pumasa… housing sa mahirap ’di kaya - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi kaya ng gobyerno na sagutin ang pabahay ng mga mahihirap sa bansa na nakapaloob sa Magna Carta for the Poor kaya niya ito hindi nilagdaan upang maging batas.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa ambush interview matapos na dumalo sa 5th anniversary ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), aminado naman ang pamahalaan na hindi nito kayang tustusan ang P2.3 trilyon upang mabigyan ng socialized housing ang mahihirap sa bansa.

Aniya, 26 percent mula sa 95 milyong Filipino ang mahihirap sa bansa at malaking halaga ang kakailanganin ng gobyerno upang mabigyan sila ng socialized housing na nagkakahalaga ng P2.3 trilyon.

“Sa, housing alone, P2.320-trillion para maliwanag, so ‘yon ang isyu. Maganda, pogi lahat ng kasali dito, pero bola. Hindi natin magagawa at dulo doon puro demanda. Pwede rin akong mag-delaying tactics dito, implementing rules and regulation, hanggang patapos ng term ko dina-draft, bahala na ‘yung susunod na administrasyon, kawawa naman ‘yung susunod na administrasyon,” anang Pangulo.

Dahil hindi kaya ng gobyerno na ibigay ito na nakapaloob sa probisyon ng Magna Carta for the Poor ay minabuti ng Pa­ngulo na i-veto na lamang ang nasabing panukalang batas na inaprubahan ng Kongreso.

Idinagdag pa ni PNoy, P600 milyon lamang ang kayang ilaan ng gobyerno para sa pabahay ng mga mahihirap sa bansa.

Ipinaliwanag pa ng chief executive, ayaw naman niyang ‘magpa-pogi’ kaya minabuti niyang i-veto na lamang ang Magna Carta for the Poor dahil hindi naman kayang matupad ang nilalaman nito.

Inatasan naman ng Pangulo ang kanyang social cluster upang bumuo ng substitute measure na kanilang ipapasa sa susunod na 16th Congress.

Pinuri naman ng Pa­ngulo ang CAAP sa pamumuno ni William Hotchkiss dahil sa pagkakaalis ng bansa sa international civil aviation organization downgrading list.

 

ANIYA

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DAHIL

MAGNA CARTA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

WILLIAM HOTCHKISS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with