Kemikal sa pagsasaka delikado sa tao, kalikasan
MANILA, Philippines - Nagbabala si ALE party list Rep. Catalina Bagasina na hindi lamang nakakasira sa kalikasan kundi panganib din sa buhay ng tao ang paggamit ng kemikal sa pagsasaka.
Ayon sa mambabatas, ang kemikal na nitrates mula sa pataba ay itinuturong sanhi ng cancer, birth defects at genetic change sa tao.
Dahil dito kaya kailangang marebyu ang rice production program ng bansa, na ibinase sa tekÂnolohiya na naka-asa naman sa chemical fertiÂlizers at insecticides.
Dapat pagtuunan din umano ng pansin ng gobyerno ang production research sa pagbawas sa mga ginagamit na fertilizer-dependent varieties o isulong ang paggamit ng natural fertilizer tulad ng azzola.
Nagbabala din ang mambabatas na ang matagal na paggamit ng kemikal tulad ng patina at pestisidyo ay papatay sa lupa. Dagdag pa nito na hindi lamang makakatipid ang bansa sa mga imported na pataba at pestisidyo kundi matitigil din ang panganib sa tao at iba pang hayop at insekto na tumutulong sa pagpatay ng peste.
- Latest