^

Bansa

Bawal mangampanya sa Semana Santa - Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pangangampanya sa mismong araw ng Huwebes Santo at Biyernes Santo upang bigyang respeto at pagpapahalaga ang mga Katoliko sa kanilang pagninilay-nilay.

Tiniyak ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na patuloy ang kanilang gagawing monitoring upang maiwasang maabala ang mga mananampalataya ng mga pulitikong tatakbo sa 2013 midterm elections.

Ipinagbawal din ng Comelec ang kampanya sa nasabing mga araw sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at ilang bahagi ng Mindanao na siyang itinakda ng batas.

Sa Marso 30 na simula ng local campaign period maaring ipagpatuloy ng mga politiko na tatakbo sa May 2013 elections ang kanilang pangangampanya.

Pinapayagan naman ng Comelec ang mga pulitiko na sumama sa prusisyon lalo na kung isa itong debotong Katoliko.

 

AUTONOMOUS REGION

BIYERNES SANTO

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

HUWEBES SANTO

IPINAGBABAWAL

IPINAGBAWAL

KATOLIKO

MUSLIM MINDANAO

SA MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with