^

Bansa

Malinis na tubig dadaloy na sa Rodriguez Rizal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Madadaluyan na ng malinis at sapat na inu­ming tubig ang mga residente ng  Rodriguez Rizal.

Ito ay makaraang mag­sagawa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ng information caravan sa  naturang lugar na nasasakupan ng Manila Water  sa pagdiriwang ng World Water Week.

Sa naturang caravan, tiniyak ng Manila Water na angkop at sapat ang serbisyong matatanggap ng mga customer nila sa lugar.

Kaugnay nito, hinikayat  ni MWSS Regional Office  Laboratory Specialist Evelyn Agustin ang mga residente ng Rodriguez, Rizal na gamitin ang tubig mula sa Manila Water dahil hindi lahat ng water refilling stations doon  ay pasado sa microbiological, physical at chemical tests batay na rin sa inilabas na anunsiyo ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee ng Department of Health.

“Higit sa walong daang beses sumailalim sa pagsusuri ang tubig ng Manila Water kumpara sa mga refilling stations, kaya marapat na maging mapanuri tayong mga consumer at huwag kalimutang hanapin ang microbiological test results sa mga refilling stations,” ani Agustin.

 

DEPARTMENT OF HEALTH

DRINKING WATER QUALITY MONITORING COMMITTEE

LABORATORY SPECIALIST EVELYN AGUSTIN

MANILA WATER

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM REGULATORY OFFICE

REGIONAL OFFICE

RODRIGUEZ RIZAL

WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with