Malakas na ulan sa MM dulot ng easterlies – PAGASA
MANILA, Philippines - Walang bagyo sa bansa kundi dulot ng easterlies ang malakas na pagbuhos ng ulan kahapon ng ala-1:00 ng hapon sa Metro Manila.
Sa isang panayam, sinabi ni Elvie Enriquez, weather forecaster ng PAGASA, umabot din ng mahigit sa isang oras ang malakas na ulan at wala silang nababanaagan na bagyo sa ngayon.
Ang dati umanong namataang Low Pressure Area (LPA) sa silangang Visayas ay nalusaw na.
Bunga anya ng kaulapan sa silangang bahagi ng bansa partikular sa Davao at Visayas na nadala sa Metro Manila ng malakas na hangin, na siyang dahilan ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Ayon kay Enriquez, wala naman dapat ipag-alala ang publiko sa paminsan minsang pag-uulan na nararasan sa bansa laluna sa Metro Manila sa loob ng summer season, bunsod ng thunderstorm. Maaliwalas naman anya ang panahon ngayong weekend sa bansa.
- Latest