^

Bansa

Trader nagpasaklolo kay Roxas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi ng tulong kay DILG Secretary Ma­nuel A. Roxas II ang isang kumpanya ng ba­kal sa Batangas dahil sa umano’y puwersahang pagtake-over ng isang ma­laking bahagi ng ka­nilang pasilidad.

Ayon kay Alejo S. Ta­tel­, pangulo ng Golden Era Steel Mill Inc. (GESMI), sa sulat nito kay Ro­xas­­, ang “harassment at pana­nakot” ay nagiging sanhi para maudlot ang kaka­yahan ng kumpanya na mapasigla ang operasyon ng planta ng bakal at puwersahang magtanggal ng mga manggagawa.

“The incident involved harassment by means of force and intimidation by these people. The effect of this action forced us to restrain from pursuing the rehabilitation of the plant and left us with no choice but to retrench 40 to 50 workers,” sabi ni Tatel.

Sa sulat kay Roxas na may petsang March 20, 2013, isinira ng PL Batangas Steel Corp., isang kumpanya na pag-aari ng isang grupo ng Filipino at Taiwanese businessmen, ang planta dahil sa pagkakautang, kabilang ang may P200 million na atraso sa electricity bill.

Pero nagpatuloy ang GESMI at sinimulang i-re­habilitate ang pasili­dad noong nakaraang De­­cem­ber matapos ma­kakuha ng lease contract para sa rolling mill.

Subalit nitong March 12 at 14, sabi ni Tatel, isa sa mga minority shareholders ng PL Batangas kasama ang mga pulis ng Bauan Police at mga armadong security guards ay pu­­­wersahang pinasok ang pasilidad kahit wa­lang naipakitang doku­mento o court orders sa prosesong pagpipigil anya para sa pag­papatuloy na gaga­ wing rehabilitasyon.

Dahil dito, sa halip na madagdagan ang kasalukuyang 131 kawani ang planta sa 220 sa sanda­ling simulan ang full ope­rations, sabi pa ni Tatel ay napuwersa silang magbawas ng tao na pawang mga residente sa lugar.

 

vuukle comment

ALEJO S

BATANGAS

BATANGAS STEEL CORP

BAUAN POLICE

GOLDEN ERA STEEL MILL INC

ROXAS

SECRETARY MA

SHY

TATEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with