^

Bansa

2 kinasuhan sa ‘hot cars’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ni Bureau­ of Customs (BoC) Commissioner Rozzano “Ruffy” Biazon sa tanggapan ng Department of Justice  (DOJ) ang dalawang consignee matapos na tangkaing ipuslit ng mga ito ang mga smuggled im­ported na sasakyan na nagmula sa bansang Japan at USA.

Kinilala ni Biazon ang dalawang consignee na sina Anthony F. Soriano at Sonny Villatuya, ng Ranths General Mer­chan­­dise­. Sinampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Section 3601 and 2530 of Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at Executive Order No, 156 o pagbabawal na mag-import ng mga segunda manong mga sasakyan.

Ayon kay Biazon, base sa record ng BoC­ tinangkang ipuslit ni Villatuya ang 14 smuggled impor­ted used right hand drive­ na mga sasakyan na nagka­kahalaga ng P5 million­ noong Disyembre 2012 at Pebrero 2013 na mula Japan.

Nasabat ang mga ito sa Manila Interna­tional Container Port (MICP), Port of Manila.

Nahaharap din si Soriano sa kasong smuggling matapos masabat noong Pebrero 9, 2013 sa Davao Port ang 40-footer container van nito na nag­ lalaman ng mga smuggled Range Rover, Mini Cooper at Nissan 350-Z, na nagkakahalaga ng P4 million, na galing ng Long Beach, California, USA.

 

ANTHONY F

BIAZON

COMMISSIONER ROZZANO

CONTAINER PORT

DAVAO PORT

DEPARTMENT OF JUSTICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with