Anti-no tuition, no exam bill isusulong ni Villar
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar na isusulong niya ang panukalang batas ng kanyang asawang si Senador Manny Villar na nagbabawal sa colleges at universities na hindi pakuhanin ng pagsusulit ang kanilang estudyante dahil sa utang sa tuition fees at iba pang bayaran sa paaralan.
Ipinahayag ng dating kongresista na tumatakbong senador sa ilalim ng Nacionalista Party-Team PNoy na kabilang ito sa kanyang prayoridad sakaling manalo siyang senador sa darating na halalan sa Mayo.
Kabilang si Sen. Villar sa “graduating senators†na magtatapos ang termino sa June 2013.
Noong October 2011, naghain si Sen. Villar, dating House Speaker at Senate President, ng panukalang batas na nagbabawal sa higher educational institutions na magpatupad ng “No permit, No Exam†policies. Aniya, pinagkakaitan nito ng karapatan ang mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit.
Subalit pinapayagan ng panukalang batas ni Villar ang mga paaralan na huwag ibigay ang grades at clearances ng mga estudyante at hindi makapagpatala ang mga ito hangga’t hindi nababayaran ang kanilang utang.
Hindi naaprubahan ng Senado ang panulalang batas na ito ni Villar bagama’t naipasa ito sa Senate committee on education sa pamumuno ni Senator Edgardo Angara. Ang counterpart bill nito ay naaprubahan sa ikatlong pagbasa sa Senado.
Sinabi pa ni former Rep. Villar, na kilala sa tawag na “Misis Hanep Buhay,†na nakapanghihinayang ang pangyayaring ito kung saan nawala ang isang “Iskolar ng Bayan†ng UP Manila, na siya sanang mag-aahon sa kahirapan sa kanyang pamilya.
- Latest