^

Bansa

Assassination plot ng Malaysian hit squad vs Kiram kinumpirma

Joy Cantos, Rudy Andal, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumpirmado na uma­no ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang pagdating sa Pilipinas ng isang “assassination team” buhat sa Malaysia upang likidahin si Sultan Jamalul Kiram III at Pastor Boy Saycon, tumatayong adviser ng Sultanato ng Sulu.

Sinabi ni Saycon na sa impormasyong naka­rating sa kanya buhat sa kaibigang abogado at consultant ng kumpanya na nasa likod umano ng assassination plot, pinamumunuan ng isang Ma­laysian Colonel ang grupo na may apat pang military men.  Nag-check-in umano ang mga ito sa Maxims Hotel kamakalawa na nakumpirma na umano ng ISAFP ngunit agad na nakaalis ang mga ito.

May nire-recruit rin umano ang grupo na tatlong “hitman” na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) buhat sa Quezon.  Kumpirmado na Malaysian umano ang opisyal dahil sa Malaysian ang numero ng telepono na ginamit na pantawag sa kaibigan niyang abogado.

Nakatakdang magtu­ngo naman sa National Bureau of Investigation (NBI) ang grupo nina Say­con upang iulat rin ang ukol sa “assassination plot”.

Sinabi pa nito na nagtataka sila kung paano nakapasok ng Pilipinas ang grupo ng mga Malaysian kung saan naghigpit na ng seguridad ang Sultanato at mga kaanak nito.

Samantala, sinabi naman ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na kanila nang iniimbestigahan ang ulat ng planong asasinasyon sa pamilya Kiram at nakatakdang makipag-ug­na­yan kina Saycon ukol dito.

Isinasailalim na rin sa beripikasyon ng intelligence operatives ng PNP ang umano’y assassination plot.

DIRECTOR CHIEF SUPT

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JOSE ERWIN VILLACORTE

KUMPIRMADO

MAXIMS HOTEL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW PEOPLE

PASTOR BOY SAYCON

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with