^

Bansa

Lider ni Ayong itinumba

Butch Quejada at Cristina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang kila­lang campaign leader ni Imus City Representative at Liberal Party gubernatorial bet Ireneo “Ayong” Maliksi sa gitna na rin ng umiinit na girian sa pulitika ng magkatunggaling grupo sa lalawigan ng Cavite.

Si Rodolfo Hilario Picache, alyas Boyie, 72 anyos at dating barangay chairman at pangulo ng Association of Barangay Chairmen (ABC) sa Cavite City, ay kaagad na namatay nang pagbabarilin ito ng ‘di pa nakikilalang salarin bandang alas-6 ng umaga sa isang public market sa Barangay San Roque.

“Nakatalikod si Kap Boyie nang lapitan siya at sakalin, pagkatapos ay pinaputukan ng apat na beses habang nag-aasikaso ng kanyang mga panindang isda sa kanyang puwesto,” pahayag ng mga nakasaksi sa krimen, na nakiusap na ‘wag banggitin ang kanilang pagkakakilanlan.

Hndi naman nakilala ang suspek na tinata­yang nasa edad na 40-45 anyos, maayos ang pa­ngangatawan at nakasuot ng long sleeve shirt na kulay light green.

Batay sa report ni PO3 Rodel Buitizon. pawang sa ulo ang tama ng biktima. Agad naman itong nadala sa pagamutan ng kanyang anak na si Anselmo Picache subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 3 basyo ng cal .45. Nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya sa insidente habang wala pa ring maibigay na motibo ang pulisya sa pangyayari.

Sinasabing ang pamamaslang kay Picache ay tinagurian ng lokal na pulisya na “first blood” sa umiinit na girian sa pulitika sa pagitan ng pamilya Maliksi at pamilya Remulla sampung araw bago pa mag-umpisa sa Marso 29, 2013 ang itinakda ng Comelec na opisyal na campaign period.

“Malaking kawalan sa aming grupo si Boyie, lalo pa’t isa siya sa aming inaasahang magdadala ng aming mga pabatid-programa sa lungsod ng Cavite,” malungkot na pahayag ni Ayong Maliksi, na nananawagan din sa pulisya para sa agarang paglutas ng kaso.

Umaapela rin si Maliksi sa kanyang mga kaalyado na maging mahinahon ang mga ito at ‘wag magpadala sa bugso ng damdamin upang ma­panatili ang katiwasayan sa buong lalawigan lalo na’t palapit na ang panahon ng kampanya.

“Iwasan natin ang magbintang kung sino at ano ang dahilan ng pamamaslang at hayaan nating gumulong ang hustisya sa pagpatay kay Boyie nang naaayon sa tamang pamamaraan ng imbestigasyon at mga umiiral na proseso ng batas,” pahayag pa ni Maliksi.

 

vuukle comment

ANSELMO PICACHE

ASSOCIATION OF BARANGAY CHAIRMEN

AYONG MALIKSI

BARANGAY SAN ROQUE

BOYIE

CAVITE

CAVITE CITY

IMUS CITY REPRESENTATIVE

MALIKSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with