^

Bansa

Utos ng DepEd nilabag ng solon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sound system operator ang sinaktan umano ng mga bodyguard ni Pateros Rep. Freddy Tinga matapos mamatay ang audio ng mikropono habang nagsasalita ang Kongresista sa isang graduation rites na una nang ipinagbabawal ng Department of Education (DEpEd)

Dahil dito, kinondena ng DepEd sa Taguig at Pateros si Tinga dahil sa inasal umano ng kanyang mga bodyguard.

Ayon kay Dr. George Tizon, administrator ng DepEd sa Taguig at Pateros, naiwasan sana ang kaguluhan kung sinunod lamang ng kongresista at mga kaalyado nito ang Department of Education memo guidelines na nagbabawal sa mga pulitiko na umakyat ng entablado at magtalumpati.

Nag-ugat ang kaguluhan nang magbigay ng mensahe si Rep. Tinga sa entablado sa kabila nang paulit-ulit na paalala mula sa mga opisyal ng DepEd partikular ang kanilang acting legal officer na si Danilo Espelico.

Naputol ang talumpati ni Tinga nang mamatay ang audio ng mikropono na ikinagalit ng mga bodyguard at tagasuporta nito na humantong umano para saktan ang operator ng sound system.

“Kami po’y umaapela sa mga pulitiko na respetuhin at sundin ang DepEd order. Ako’y nalulungkot at nasaksihan pa ng mga bata at magulang ang insidenteng naiwasan sana kung marunong lamang sumunod ang ilang pulitiko sa mga kautusan,” ani Tizon.

Hindi umano dapat nagpunta, umakyat ng entablado at nagtalumpati si Cong. Tinga sa graduation ceremony ng Eusebio C. Santos Elementary School dahil ang paaralang ito ay sakop ng unang distrito ng Taguig pero siya ng kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod.

Ang tanging pinahintulutan na makapagbigay ng mensahe alinsunod sa kautusan ng DepEd sa mga nagsipagtapos sa paaralan ay sina Mayor Lani Cayetano at Congressman Arnel Cerafica. Una rito ay pinaalalahanan ni Education Secretary Armin Luistro ang mga paaralan na iwasan ang pamumulitika sa mga graduation ce­remony.

CONGRESSMAN ARNEL CERAFICA

DANILO ESPELICO

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. GEORGE TIZON

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

EUSEBIO C

FREDDY TINGA

TAGUIG

TINGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with