^

Bansa

40 PAGs sa Abra lalansagin ng militar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kabuuang 40 mi­yembro ng Private Armed Groups (PAGs) ang target lansagin ng mga militar sa lalawigan ng Abra kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng midterm elections sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay 503rd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Heriberto “Dodo” Iriberri, puspusan ang kanilang kampanya katuwang ang mga tauhan ng PNP para lansagin ang may 40 PAGs sa Abra at kumpiskahin ang kanilang mga baril.

Ang lalawigan ng Abra ay kabilang sa 15 idineklarang ‘high risk provinces ‘ ng Commission on Elections (Comelec ) kaugnay ng nalalapit na election.

Sinabi ng opisyal, nakasentro ang kanilang pagtutok sa local level o mga local na kandidato na sinasabing nagpapatayan sa tuwing sasapit ang halalan.

Noong mga nakalipas na election ay nabatid sa kasaysayan ng lalawigan ang maraming pulitiko sa local level ang pinaslang ng mga PAGs at hired killers.

 

ABRA

AYON

COMELEC

HERIBERTO

INFANTRY BRIGADE COMMANDER BRIG

IRIBERRI

NOONG

PRIVATE ARMED GROUPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with