^

Bansa

Sorsogon pobre pa rin!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa talaan pa rin umano ng mga mahihirap na lalawigan ang Sorsogon na kilalang balwarte ng pamilya Escudero.

Ayon kay United Nationalist Alliance (UNA) Spokesperson at Navotas Rep. Toby Tiangco, kapag naghahangad ng mas mataas na posis­yon sa gobyerno ay ang unang-unang sisilipin ng publiko at dapat na batayan sa pagtakbo ay ang naging mga accomplishment, gaya umano ng mga Estrada sa San Juan, Binay sa Makati na pawang malaki ang naitulong sa pag-unlad ng kanilang nasasakupan kaya naman nais na maging senador para mas malawak ang matulungan at mabigyan ng kanilang serbisyo.

“Ang pagiging maga­ling na lider ay hindi naman dahil sa sikat ka o matunog ay iyong pangalan, o dahil sikat na aktres ang nobya mo o asawa mo, hindi yan ang sukatan, ang sukatan na dapat tignan ng publiko ay kung may nagawa ba, tignan natin ang track record ng mga kandidato,” pahayag pa ni Rep. Tiangco.

Marami na umanong napatunayan ang senatoriables sa hanay ng UNA at patunay umano rito ang mga maunlad na lungsod na kanilang pinaglingkuran.

Subalit sa ilang lugar gaya sa Sorsogon kung saan matagal na naging kinatawan pa ng Kongreso ang ngayon ay si Sen. Chiz Escudero ay magandang silipin ang mga nagawa nito sa lalawigan.  

Ayon sa National Statistics and Coordination Board, lalong tumaas ang kahirapan sa Sorsogon nang kongresista pa sa lalawigan si Escudero, mula 43.5% nung 2003 hanggang 55.3% nung 2006.

Sa report naman ng National Statistics Coordination Board(NSCB) Regional 5 kahanay ng Sorsogon ang Masbate, Camarines Norte at Albay sa pinakamahirap na mga probinsiya sa Bicol.

Ayon sa website ng Department of Budget and Management, daang milyong pork barrel na ang naibigay kay Sen. Chiz mula pa kay dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo hanggang sa kasalukuyan kay Pa­ngulong Aquino.

Una nang binatikos si Escudero dahil sa ka­kulangan umano ng accomplishment nito bilang kongresista at bilang senador.

Kung igogoole umano ang pangalan ni Escudero ay mas mara­ming makikitang artikulo patungkol sa kanyang lovelife at tv guestings habang wala naman itong batas na sariling ginawa maliban sa co-authored ito o co-sponsored.

AYON

CAMARINES NORTE

CHIZ ESCUDERO

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

NATIONAL STATISTICS AND COORDINATION BOARD

NATIONAL STATISTICS COORDINATION BOARD

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with