50,000 Pinoy sa Sokor delikado
MANILA, Philippines - Nasa peligro ang kaligtasan ng 50,000 Pinoy sa South Korea dahil sa banta ng North Korea na magsasagawa ng matitinding pag-atake at pambobomba laban sa Sokor.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, inihahanda na ang contingency plan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul upang matiyak ang seguridad ng mga OFWs na posibleng maapektuhan sa napipintong giyera sa pagitan ng Sokor at Nokor.
Ito’y matapos na magbanta ang bagong lider ng Nokor na si Kim Jong-Un na iwa-wipe out nito ang mga isla na malapit sa Baengnyeong.
Dahil dito, matinding takot ang bumabalot ngaÂyon sa libu-libong residente na nakatira sa limang border islands ng Sokor tulad ng Baengnyeong at Yeonpyeong matapos magbabala ang Pyongyang sa mga residente doon na tumakas o lumikas na bago ang isasagawang “thunderous attacks†sa nasabing lugar.
Pinangangambahan na ito na ang magiging pinakamatinding giyera sa pagitan ng Nokor at Sokor matapos na batikusin ng una ang isinasagawang South Korea-US joint military drill na nag-aanyaya umano ng giyera para sa kanila (Nokor).
Nauna nang inihayag ng DFA na sinusuportahan nito ang pagbuo ng United Nations Security Council ng UN resolution 2094 (2013) na nagbibigay ng mas matinding sanctions o parusa sa Democratic People’s Republic of Korea o Nokor dahil sa kanilang ginawang nuclear test noong Pebrero 12, 2013 na kinondena ng iba’t ibang bansa kabilang na ang Estados Unidos at Pilipinas.
Ang bantang giyera ng Nokor ay kasunod ng anunsyo ng Pyongyang na inaalis na nila ang lahat ng “non-aggression agreement†sa South Korea na nagbunsod ng matinding tension sa Korean Peninsula at naging banta sa katahimikan at katatagan sa nasabing rehiyon.
- Latest